Marc Angelo: Sir...Sa panahon natin ngayon, maraming mga kabataan ang nawawala sa tamang landas, dahilan sa iba't ibang dagok at problema sa buhay. Ang iba ay problema sa pamilya, sa pera o sa mga kaibigan. Iba't ibang problema at istorya na hindi natin minsan maintindihan sapagkat wala tayo sa kanilang mga paa, maaring madali manghusga at magsalita ngunit hindi natin nararamdaman ang kanilang pinagdadanan. Paano na ang pangarap ng mga kabataan? Sir Joseph: Hindi natin masisisi ang mga kabataan na nasa ganitong kalagayan sapagkat naniniwala ako na may pag-asa pa ang bawat kabataaan... Marc Angelo : Paano ba natin matutulungan ang mga kabataan? Paano na ang kanilang kinabukasan? Paano na ang mga pangarap ng bawat magulang ? ... Tulad ni David kaya ng bawat kabataan labanan ang isang higanteng problema o pagsubok na tulad ni Goliath. Basta't may tiwala ka sa Diyos... at sa iyong sarili.