Bring Me Back [COMPLETED]

Bring Me Back [COMPLETED]

  • WpView
    Reads 53
  • WpVote
    Votes 2
  • WpPart
    Parts 2
WpMetadataReadComplete Mon, Aug 14, 2017
DESCRIPTION: Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang binatang guro ng Kolehiyo na may lihim mula sa isang babae na nakilala niya mahigit isang dekada na ang nakalipas at sila'y magkikita muli at naging masaya ang binata. Pinapahiwatig din ang kuwentong ito na kahit anong mangyari ay dapat pahalagahan ang bawat bagay o tao sa ating mundo na may pangarap at karapatan dahil hindi natin masasabi kung hanggang kailan lang natin sila masisilayan. Written by: D E S T I N E
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • My First Love Is My Secretary
  • 21 Days Of Love
  • Kung Ako Nalang Sana [Completed]
  • Huli ang Lahat
  • Back To You [Completed]
  • It was only just a dream (COMPLETED)
  • Kailan Ba Ang End Of The World Para Matapos Narin Ang Katangahan Ko. (COMPLETED)
  • Last Heart Beat(GxG)
  • CROOK THE STRAIGHT 2 (COMPLETED)
  • Kissing Tutorial (GirlxGirl)

It's been 6 years buhat nung huli ko syang makita. Ako nga pala si Lexa Gonzales 29 na ako ngayon. Graduation ng college, dapat masaya pero nalungkot ako. Crush ko sya since first day of school. Gwapo matangkad moreno at masasabing pang modelo artista ang dating. Siya si Luke Monteverde, magka batch lang kami. Pamilya daw nila ang may-ari ng paaralang pinasukan ko, samantalang isa akong scholar kaya lang nakapasok sa paaralang ito. Kaya ipinangako kung magtatapos ako ng pag-aaral para makaahon sa hirap. Napansin nya ako hundi naman sa pagmamaganda, may itsura din naman ako pero natatakot ako sa mayayaman, kahit kailan hindi lalapag ang bituin sa lupa. Paglalaruan lang nya ang damdamin ko. Malungkot pero tinibayan ko ang loob ko. Binigyan nya ako ng panahon hiningi nya ang sagot ko sa araw ng graduation. Pagkatapos ng graduation pinuntahan nya ako para hingin ang sagot ko. Gusto kung omoo kaso natatakot. Natatakot baka hindi sya totoo. Pero hindi ko lang sya gusto, mahal ko sya. Sa pag buka ng bibig ko bigla kung nakita ang best friend kong ako lang ang nakakakilala sa tunay nyang katauhan. Si Harold Perez. Isa syang beke pero walang nakakaalam kasi natatakot syang mabunyag ang tunay nyang pagkatao, kaya sekreto lang. Papalapit sya sa amin at nakangiti. Bigla ko na lang lumabas sa bibig ko ang katagang, " sorry Luke, may boyfriend na ako si Harold." Bigla syang yumuko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya. Masakit, sobrang sakit pero babawiin ko ba? Bigla akong inakbayan ni Harold " beh, bakit bigla kang nawala hinahanap ka na nina tita at tito." Tumalikod sya at hindi na nagsalita. Gusto ko syang habulin at sabihin ang tunay kung nararamdaman, pero nanghihina ako, bigla na lang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Bumulong na lang ako sa hangin, "sana mahanap mo yong babaeng hindi duwag sumugal sa pagmamahal. Sana kung magkikita tayong muli masaya ka na, at hindi ko na makita yong mga matang parang dumurog sa puso mo." Yun ang huli naming pagkikita.......

More details
WpActionLinkContent Guidelines