Wrapped in Indigo Memories | Palette of Moments Series #6 (COMPLETED)
Si Naomi Vergara, panganay sa tatlong magkakapatid at breadwinner, buong buhay na inuna ang mga magulang na labis na ipinagmamalaki siya. Ngunit habang inuuna niya ang kanilang mga pangangailangan, unti-unti naman niyang napabayaan ang sariling pamilya.
Nang magkasakit ang anak nilang si Naharra, at piliin ni Naomi ang trabaho at mga magulang kaysa sa kanila, tuluyang napuno si Caius John Villarama, ang long-time boyfriend niya. Bitbit ang kanilang anak, iniwan siya ng mga ito, at umalis nang walang paalam.
Pagkalipas ng limang taon, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Ngunit malayo na ang lahat sa dati. Hindi na siya kilala ng anak niya, at si Caius ay hindi na ang lalaking handang tanggapin ang bawat pagkakamali niya.
Matapos ang isa pang masakit na paghihiwalay at pagkawala, muli silang pagtatagpuin ng tadhana. Ngunit sapat pa ba ang pagmamahal para buuing muli ang pamilyang minsan nang nawasak, o huli na ang lahat para sa ikalawang pagkakataon?