Plagiarism is a crime!
Ang laman ng storyang ito ay puro imahinasyon lamang ni author. 😄
Binuksan ko ang compartment ng sasakyan para kunin ang binili kong maleta. Bubuhatin ko na sana kaso parang bumigat ata, kaya humingi nalang ako ng tulong kay manong. "Bat ang bigat nito ma'am? Ofw ka maam?" Tanong ni manong.
"Ah, hindi po! Kakabili ko nga lang nito eh" nagtatakang sagot ko habang tinutulongan si manong buhatin ang maleta hanggang nakapasok kami sa bahay at nilagay sa sala.
"Ito po ang bayad manong, salamat sa pag tulong!" masayang binigay ko sa kanya ang bayad.
"Ang sumobra ata bayad niyo ma'am" nahihiyang tanggi ni Manong.
"Ay hindi po, bayad yan sa pag tulong saakin" sagot ko.
"Sige ma'am salamat" sabi ni manong saka umalis.
Pinagmasdan ko ang maleta "hmm, bakit kaya ang bigat nito?" tanong ko sa sarili, 'hala baka tinaniman to ng bomba' gulat kong sabi sa isip. Dahan dahan kong binuksan ang maleta "mooommyyy!!" Sigaw ng bata at bigla akong niyakap.
"Ay may chanak!!?" Gulat kong sabi
"Sa cute kong to mommy chanak agad!" tapos nag cross arms pa, ay aba naman.
"A-anong sabi mo? M-m-mommy!? I am... What!? A Mom?" Gulat na gulat kong tanong sa bata.
And she nodded with toothy smile.