Rewrite the Stars (The Time Traveler's Boyfriend Book 3)
27 parts Ongoing The Time Traveler's Boyfriend Book 3
"You're not just a speck in the universe."
***
"Ark, let's get some rest. Pagod ka pa sa byahe," saad ni Noah habang pinipilit niyang ngumiti. Kitang-kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Mga basang mata na may pagnanangis ng isang taong maraming iniisip. Isang taong laging inuuna ako kaysa sa sarili niya. I may have made him worry too much today because of what I did after leaving him in the condominium.
"Can we just stay here for a few more minutes?" tanong ko. Kusang kumilos ang aking kamay pabalik sa kanyang malambot na pisngi. Sabay sa bawat pagtambol ng musika ng speaker ay ang malakas na pagtibok ng aming puso sa mga sandaling iyon. Huling kong natagpuan ang kanyang mukha na kusang lumalapit sa akin. "I love you, Noah," saad ko.
Tuluyan nang nagtagpo ang mga labi namin.
"To infinity and back," sagot niya. Unti-unti niyang ginagantihan ang mga halik ko. Sa umpisa ay marahan lamang ang aming halikan hanggang sa maging mapusok na ang mga ito. Mabilis akong napaakyat sa kinauupuan ko upang masukliang mabuti ang mga halik ni Noah. Ang mga kamay ng aking kasintahan ay sinisumulan nang alisin ang pagkakabutones ng aking polo, gayundin ang mabilis kong pag-alis sa t-shirt niya. Tanging ang mga matatamis na tunog ng aming mga halik ang umalingawngaw sa sasakyan saliw sa tunog ng mahinang musika. Muli siyang napatigil at napatingin sa akin. "Ark, I did not clean."
"I don't care," mabilis kong sagot. Muli kong binalikan ang matatamis niyang labi habang ang kanan kong kamay ay inaabot ang gilid ng kanyang upuan upang mapahiga ito. Pinilit kong pagkasyahin ang matipuno naming katawan sa kanyang puwesto kahit pareho kaming nahihirapan kumilos. "Tight, just like how I like it," sabi ko pa habang nagtatama ang mga abs naming dalawa.
Started: January 29, 2022
Ended book 4: September 30, 2022