Isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay, Ayan si Alyson raye Lopez. 14 taong gulang na nag-aaral sa Eastern High. Silang dalawa lang ng kapatid niyang si Kian kyle Lopez ang nakatira sa tirahan nila, lahat ng kamag-anak nila ay nasa ibang bansa. namatay kasi ang magulang nila sa Car accident.Hindi kasama ng araw na iyon si kyle at ang ate nila sapagkat nasa ibang bansa ang mga ito, kasama ang lolo't lola nila. At iyong araw na rin yun ay ang ika-20 taong ng anibersaryo ng pagsasama ng kanilang magulang. at sa hindi inaasahang pangyayari, nawalan ng preno ang sasakyan nila. Nasawi ang mga magulang niya, buti nalang nasa likuran siya ng sasakyan at nakaligtas. Ngunit, nagkaroon naman siya ng selective amnesia. piling mga tao, bagay o pangyayari lang ang nakakalimutan niya. At ang masaklap, yung mga importante pa ang nakalimutan niya. 11 taon gulang palang si Alyson ng mangyari ang aksidenteng yun. Pero hanggang ngayon may mga alala parin syang hindi maalala. Lumipas ang taon may nakilala siyang lalaki, na nagpatibok ng kanyang puso. Siya ay si Troy neil Avila, Akala niya una niya itong pag-ibig pero duon siya nagkakamali. Paano kaya kung bumalik ang nakaraan, mababago kaya ang kasalukuyan niya?
Si Allyson Jane Buenaventura ay lumaki sa isang marangyang pamumuhay. Maganda at desenteng babae dahil nakapag tapos sa isang prestihiyosong paaralan sa New York.
Lumaki siyang abot kamay ang lahat ng gusto niya, ngunit ang kagustuhang maikasal at makapag pamilya ay tila ba'y naging mailap ang tadhana para ibigay ito sa kanya.
Matagal na niyang kasintahan si Attorney Fabian Lloyd Bendijo at sigurado na siyang ang binata ang gusto niyang makasama habang buhay. Ngunit sa mismong araw ng kanilang kasal ay hindi siya sinipot ng binata, na naging dahilan upang madurog ng sobra ang kanyang puso.
Nang maglaro ang tadhana ay pinagtagpo uli sila sa isang hindi inaasahang pangyayari matapos ang mahigit apat na taon. Hahayaan ba niyang magpaliwanag ang binata sa totoong rason ng kanyang hindi pagsipot? O itutulak niya ito palayo dahil sa takot na masaktan siya uli nito?
May pangalawang pagkakataon pa ba na maghilom ang mga puso nilang sinugatan ng panahon? Mahahanap kaya nila ang tunay na pormula patungo sa walang hanggang pag-ibig?
Is there a second chance for them to have a second happy ending? ABANGAN.
[The picture is not mine. Credits to the rightful owner.]