Alam mo bang ang buhay ng tao ay parang gulong na umiikot-ikot? Iyong tipong, mula sa ilalim ay napunta sa itaas. At mula sa itaas ay muling umilalim. At mula ulit sa ilalim ay pwede uling umibabaw! Iyong masasabi mong tila pinaglalaruan ka ng tadhana. Ganyan ang buhay ni Melanie Piamonte. Mula sa pagdurusa ay lalong napunta sa mas matinding pagdurusa. Mula naman sa pagdurusa, ay biglang guminhawa!Tila isang panaginip na biglang nagbabago ng scene sa isang iglap. Sama-sama po nating tunghayan ang buhay ng aking bida. Sabay-sabay tayong mamangha kung papaanong nalampasan niyang lahat nang paghihirap sa kanyang buhay. Samahan ninyo akong kiligin sa mga cheesy lines ng aking mga bida. At pare-pareho nating isabuhay ang mga aral sa buhay na naglipana sa loob ng aking kwento. At tiyak na masasabi mo talagang, Ang buhay ng tao ay may iba't ibang mukha. Totoong ang bawat nilalang na ginawa ng Mahal na Panginoon ay may kanya- kanya ng kapalaran bago pa iluwal sa mundo. At ito masdan mo... ang aking kwento! Bangungot! Panaginip! Realidad! Ang buhay ng aking bida na nagsimula sa isang bangungot. Na naging tila isang magandang panaginip na biglang naging tunay na buhay. ------------- Aral: --Hindi masamang mangarap lalo na kung alam mong bukas-mata mong natatanaw ang hinaharap. --Hindi masamang lumipad lalo na kung alam mong abot ng iyong pakpak. --Kapag ang isang bagay ay hindi para sa iyo, malamang para sa iba iyan! --At kasabihang kapag hindi ukol ay walang.....bukol.! --At kapag ikaw ay nagising sa isang magandang panaginip... Huwag mo nang piliting ulitin at baka ikaw ay bangungutin. Just saying... WP-DANLANS MATURE CONTENT COMPLETED COVER DESIGN:KIDDOGRAPHICS