Paano kung di ka talaga kayang mahalin ng taong mahal mo? Handa mo pa din ba itong ipaglaban kahit alam mong mali at pwedeng may mga masaktan? O handa mong baguhin ang puso mo para sa taong minahal ka at minamahal ka ng hindi naman sinasadya?
Si Vinz Ramirez lumaki sa isang mayamang pamilya, ngunit mas pinili niyang abutin ang pangarap niya kesa sa pangarap ng kanyang ama para sa kanya. At sa pamumuhay niyang mag-isa nakilala niya si Anica na siyang nagpasikat at tumulong abutin ang pangarap niyang maging modelo,at si Anica din ang dahilan kung bakit patuloy siyang nagmamahal,ngunit may ibang gusto si Anica at ito ang kaibigan niyang si Edward.
Sa hindi inaasang pangyayari sa buhay niya nakilala naman niya si Mari Samonte,isang simpleng dalaga na siyang gugulo sa mundo niya. Dahil sa kagustuhan niyang makuha ang pagmamahal ni Anica,ginamit niya ang kahinaan ni Mari at binigyan niya ito ng trabaho,ang paibigin si Edward. At sa pag-aakalang makakabuti ang plano niya ay mas naging kumplikado pa ang lahat ng hindi sinasadyang masabi ni Mari kay Edward ang plano nila ni Vinz,dahil ang totoo si Mari ay nahulog na kay Vinz at hindi kay Edward.
Si Aiden isang college student at isang honor student na piniling makapag tapos ng pag aaral, makahanap ng trabaho at maipag malaki ang kanyang pamilya. Mula ng siya ay nabigo sa pag ibig ay nangakong hindi na muling papatol sa isang relasyon. Sa kanya ang damdamin ay magiging malaking sagabal laman sa kanyang pangarap.
Pero nabago ang lahat ng makilala nya ang isang babaeng hindi nya akalaing mamahalin nya, si Missy isang babae na may natatanging kagandahan at angking talento. Sa mga simpleng pag uusap sa ilalim ng mga bituin sa gitna ng gabi ay unti unting nababasag ang pader na itinayo ni Aiden sa kanyang puso.
Si Missy ay hindi lang basta babae, siya ang nag paalala kay Aiden na ang pag ibig ay hindi laging sakit kundi minsan ay ito rin ay isang lunas.
Ngunit may mga lihim si Missy na hindi agad ipinakita, at sa bawat araw na lumilipas mas lalong lumalalim ang koneksyon nila. Hanggang kailan kayang itanggi ni Aiden and damdaming pilit na bumabalik?. At handa naba syang tanggapin na minsan, ang mga bagay na hindi mo planado ay siya palang tunay mong kailangan?