Matapos ma-aksidente ng simpleng mangingisda na si Manuel, nakumbinse siya sa sarili na siya ang second coming ni Jesus Christ. At siya'y naghanap ng mga disipulo para palaganapin ang banal na salita ng Diyos. Isang tragi-comedy, ito'y istorya ng mga ordinaryong mamamayan at ang mabuti at masamang dulot ng kapangyarihan ng kanilang pananalig.