Nayanig ang mundo ni Aiukira ng makatanggap ng tawag mula sa ex-boyfriend niyang si Callum. Mahigit tatlong taon mula nang sila ay magkahiwalay. Akala ni Aiukira ay kaya niya nang harapin si Callum not until he told her that he's getting married. Kung hindi lang dahil sakanilang kasunduan na magkita bago ikasal ang isa sakanila ay hinding hindi siya magpapakita pero dahil sa kasunduang ito wala siyang choice kundi ang makipagkita. Paano tatanggapin ni Aiukira ang katotohanang nakausad na si Callum at siya ay hindi pa? Kakayanin niya bang panooring mag I do si Callum sa iba? Kaya niya bang tanggapin na sa iba na tutuparin ni Callum ang kanilang minsang pinangarap na magkasama? Masaya ang simula, pero paano kung ito na ang simula ng wakas? Masaya pa rin ba?