Meet Kaye Louis Velasco, isang babaeng never pang na inlove at nagkaroon ng first love since birth. Pero nagkaroon naman sya ng maraming boyfriend noon at hanggang ngayon, kaso nga lang wala ni isa sakanila ang sineryoso nya kaya hanggang ngayon single parin sya.
Anyway maraming famous group sa school nila at isa na doon ang pinaka sikat na grupo na, "The Dab King". At may limang member doon na sila Ronny, Alfred, Eugene, Kenneth at Karl. Sila ay member rin ng isang band kaya sikat na sikat talaga sila. At ang gugwapo at ang yayaman rin nila kaya halos lahat talaga ng babae sa school nila ay nabibighani sa kanilang lima.
Pero bakit hindi man lang ito nagkagusto sa isa sa kanila? Sa halip, nagkagusto pa ito sa isang transferee na lalaki na nangangalang Marl Khio Santos. Isang lalaking matalino nga pero mukhang nerd naman, mayaman nga pero mukhang hindi naman. Pero ehem wag kayo dahil mapapa 'oh my gosh' ka nalang dahil sa sobrang gwapo nito.
Ang tanong, bakit nga ba nya ito nagustuhan?
Nagustuhan nya lang ba ito dahil sa ito ay ubod ng gwapo o may iba pang dahilan bukod dito?
BASAHIN AT ALAMIN KUNG ANO NGA BA TALAGA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NYA NAGUSTUHAN ITO.
---
©All right reserved. Copyright 2017.
Enjoy reading! Tüm hakları saklıdır
Daha çok oku