Nakasanayan natin sa mga kuwentong prinsesa at prinsipe na laging lalaki ang kailangang magliligtas sa isang prinsesang nangangailangan ng tulong sa isang palasyo. Paano kung lahat ng ito ay hindi mo matatagpuan rito. Papaano kung ang prinsesang naghihintay para sa kaniyang prinsipe ay hindi na pala makakarating. Papaano rin kung ang prinsipe na nakahanap na rin ng bagong prinsesa. Papaano kung ang nahanap niya hindi pala prinsesa kundi isang prinsipe rin pala.