Lupon ng mga kuwentong umaapaw sa mga salitang parang tubig, walang depinisyon, walang tanikalang kumakahon sa mga along nagpupumiglas na makawala. Nagsisilbing parte ng isang pangungusap na sinasalamin ang tagumpay at pagkabigo ng bawat taong umibig, umiibig, at iibig pa lang, na bubuo ng isang talatang sasakupin tayong lahat, hanggang sa makita ang nakalatag nang prosa, kumpleto, buo, at hahayaan natin ang mga sariling malunod, dalhin sa pinakamalalim na parte ng buhay.