"Maureen, choose one. You can't always have both. Unfair yun sa kanila." sabi ni Pia sa akin. Hindi pa ako sumasagot kasi nahihilo na ako. Gusto ko na lang mawala tong problema ko. Lulunukin ko na lahat ng problema hanggang sa masaya na ulit ako. Pero hindi ganon kadali ang buhay. Iniisip ko nalang na sana, mayroon akong dalawang puso. Para hindi na ako mahirapan pa. Decision isn't always my forte. It never was. "Choose the person who you think about before you sleep and the first thing you think of when you wake up." dagdag pang sabi sa akin ni Pia. Mahirap kung alam mo lang. So sino ba talaga?