Sa buhay, may isang taong darating para tulungan tayo. Para mahalin tayo. Para maging sandalan. Para maging kaibigan.
Marami tayong dinadalang problema dito sa mundo at masasabi nating kung dumating man ang taong 'yon ay siya na ang pinakamagandang nangyari sa buhay mo.
Iyak dito. Iyak doon.
Sakit dito, sakit doon.
Maswerte nalang siguro ako dahil nakilala ko siya.
Siya, na nagbigay liwanag sa madilim kong mundo.
Siya, na tumanggap sa akin sa kabila ng mga pinagdadaanan ko.
Siya, na naging sandalan at kaibigan ko.
Pero ano ang magagawa niya kapag ayaw ko na?
Kapag sinabi kong suko na?
Itutuloy niya pa ba ang pagkapit at pagtulong para maisalba ang buhay ko?
O mapagtatanto niyang hanggang dito nalang talaga ang pag-ikot ng aking mundo?Todos los derechos reservados