Puta man ay may Damdamin
(Maskara sa Dilim)
Puta ka kung tawagin ng karamihan sa atin,
Isang babaeng bayaran, at ginagawang alipin.
Kahit di mo gusto, ang iyong gawain.
Wala kang magawa't, maraming pinakakain.
"Boss chix!" ang sigaw ng bugaw na ulupong.
Walang pinipili, maibenta lang ang tahong.
Matanda o bata, parokyano mo ngaun.
Pilit kang ibubugaw, basta't magka datung.
Pagsapit ng dilim, ay mag-uumpisa na.
Kapiraso n'yong laman, ilalako sa kalsada.
Serbisyong binibigay, nagbibigay aliw sa kanila.
Samantalang kayo naman, panay luha ang mata.
Pagsikat ng umaga'y, diring-diri ka na.
Tingin sa sarili, marumi't walang kwenta.
Maskara mong inilagay, ayaw mo ng hubdin pa.
'Pagkat dito mo itinatago, lahat ng iyong pagdurusa.
#TULAlaArchives
- sniper eyes
- photo by RedEnid
(Dumaan sa pagsusuri ni RedEnid sa gabay ni Christina Marie Lim Magpile)