Pao B.
#MakatangGala
-sniper eyes
Nawala ang selpon ng isang nilalang.
Naglalaman ito ng kababalaghan.
Hubad na katotohanan, ang masisilayan.
Sa bawat video na kanyang nilalaman.
Dumating ang sandali, nang kinatatakutan n'ya.
Bidyong itinatago, ay kumakalat na.
Pa isa-isa, hanggang mag dalawa.
Kawawang Bediones, pinag-pipiyestahan s'ya!
Hubad na katawan, na naglalampungan.
Ang makikita sa bandang hulihan.
Ang inakalang baklang walang alam.
Ngayo'y pinatunayan na anak ni Adan!
Mang kanor ang dahilan, nagsimula ang lahat.
Sinundan ni Hayden, nang pandiinang palabas.
Nakiuso si Chito, natulala ang pangkat.
Ang Wally Bayola, ang bumulaga sa Dabarkads!
Isang taon ang lumipas, at di pinalagpas.
Gustong maihabol, sa grupo ng matitikas.
Eskandalong binuo, ng halos isang oras.
Bediones kung tawagin, ang patok na palabas.