Naranasan mo na bang masaktan dahil sa pag-ibig? Yung tipong lahat na lang ng nakapaligid sa inyo ay hahadlang para sa inyong dalawa? Yung kayang gawin ang lahat huwag lang kayo ang magkasama, at lalong-lalo na yung ayaw nila kayong maging masayang dalawa. Si Alesandra, lahat ng sakit naramdaman niya na simula nang iwan siya ng mahal niya, makakaya niya sana ang lahat kung magkasama pa sila, pero pinaghiwalay parin sila ng mga nakapaligid sa kanila. Sinubukan niyang makalimot, pero hindi pala ito madali, lalo na kung sa nakalipas na dalawang taong wala ito sa tabi niya ay nanatili parin ang pagmamahal niya para rito. Sa mga bagong tao na dadating sa buhay niya, magagawa niya na din kaya itong kalimutan? Pero paano kung isang araw ay magbalik ito sa buhay niya? Magagawa niya pa kayang tanggapin ito lalo na kung may mga tao na naging bahagi na rin ng buhay nila at pwede ring masaktan? Katulad dati, magagawa niya pa kayang manahimik at magparaya nalang, o lalaban at magiging makasarili na siya ngayon? “It was my first love, my true love, but it just became, My Forbidden Love. This time will my Love be Forbidden again? Or Not Anymore?” ________ On-Hold muna, pero malapit na din to matapos.