Sabi nila may tamang panahon sa bawat bagay. Na lahat ay mangyayari sa takdang panahon. Na bawat desisyon na gawin ng tao maging maganda man o hindi ay nangyari dahil may rason. Sabi ng ilan lahat ng bagay sa mundo ay nangyayari dahil ginusto ng Diyos. Kung iyon man ay may katotohanan dapat ba nating ipagpasa-Diyos na lang ang lahat ng bagay? Sa bawat oras na ginugugol ng isang tao sa mundong ibabaw ito ay nakakaapekto sa mga taong nakapalibot sa kanya. Kung ang isang desisyon man ay nakasama o nakabuti ay tanging ang panahon lang ang makakapagsabi. Tanging ang mga maiiwan lang ang nakakaalam kung ang lumisan ba ay nagiwan ng masakit man o magandang alaala.
5 parts