NABULABOG ang tahimik na mundo ni Cathy nang sa unang pagkakataon ay umibig ang kaniyang batang puso. Ito ay sa katauhan ng binatang transferee na si Peter. Ang kaniyang pagsulyap-sulyap ay kalaunang nauwi sa isang malalim na ugnayan hanggang sabihin nito na may gusto rin ito sa kaniya. They were in bliss. Pero biglaan ay umalis ito na ang tanging iniwan lang sa kaniya ay ang isang pangakong babalik ito. Years have passed, hindi pa rin niya makalimutan ang binata mula sa kahapon. Pero ito pala ang nakalimot nang makita niya ito sa paaralang pinagtuturuan niya. At ang inaasahan niyang muling pagbabalik ng naiwan nilang pagtitinginan ay naglahong parang bula nang ikaila siya ni Peter at sinabing hindi siya nito naaalala. Pero bakit kaya?
Mais detalhes