Paano mo malalaman kung kanino, saan, at kailan ka na ba nahuhulog at kung siya din ba ang nakatadhana sayo?
Ito ay kwento ng magkakaibigan na nagtatanong sa sarili kung paano at kailan na ba sila nahuhulog sa isang tao at kung yung tao na yun ba ay ang kanila ding Tadhana?
Posible kayang mahulog sila sa Grupo na may mayayaman, gwapo, maangas, sikat at 'Torpe?'. Sikat din sila dahil sa galing nilang tumugtog, kilala sila sa Clinton University na kung tawagin ay The Bomb Squad dahil sa dami nilang pasabog na kalokohan. Ngunit posible nga ba na nandito din ang kanilang Tadhana?
Maaari nga bang may mabuong pagkakaibigan sa kanilang Grupo kung sa simula pa lang ay puro tarayan, kalokohan, at awayan na ang ginawa nila?
Bakit ba kapag nagmahal ang isang tao parating may kakambal na sakit?
Bakit kung kailan handa ka nang magmahal at magtiwala sa sarili mong mamahalin ka ay di pa rin sapat para lumigaya kayo?
Bakit hindi pwedeng magpatuloy na lamang ang kaligayahang nararamdaman?
Bakit ba kailangang may masaktan para may sumaya?
Di ba pwedeng pareho na lamang kayong masaya?
Di ba pwedeng maging selfish kahit once?
Di ba pwedeng sumaya kami na wala kaming nasasaktang tao sa paligid namin?
Pwede ba na kahit isang minuto lang sumaya akong kasama ang mahal ko na wala akong inaalala?
Pwede ba yun?
Pwede bang ako at siya lang muna?
Pwede bang wala na munang sila?
Pwede bang di na lang muna niyang tuparin pangarap niya?
Pwede bang sa tabi ko na lang muna siya? Kahit konting panahon lang? Kahit sandaling sandali lang?
Kung pwede lang sana....
Kung pwede lang sana....