"Hindi ako perpekto. Hindi tayo perpekto. Nagmahal lang ako. Minahal mo ako. Nawalay. Nasaktan ng paulit ulit. Ngunit muling hinawakan kamay mo nang mahigpit. Nangako ngunit lahat ng iyon ay napako. Pero hindi ibig sabihin non hindi na ikaw ang syang muling pipiliin ko. Sapagkat, IKAW AT IKAW PA RIN ANG MAMAHALIN NG ISANG TULAD KO. Kahit sa panaginip. Pinagtagpo tayo at pareho tayong walang alam kung tayo ba talaga ang nakatadhana para sa isa't isa. Ngunit kung hindi talaga ang 'TAYO' ang syang nakatadhana, tatanggapin ko. Pero sana! Sana sa susunod na henerasyon kung ipapanganak man ulit ako, sana tayo na ang para sa isa't isa. Yung muli tayong pagtatagpuin at nakatadhana nang di na magkawalay pa."-AndrheaAll Rights Reserved