Sa murang edad nakamulatan na ni Marga ang magulong buhay. Sa loob ng tahanan kung saan ka dapat nagpapahinga, kung saan nahuhubog ang iyong pagkatao at kung saan ka dapat nakakaramdam ng kapayapaan pero lahat ng ito ay kabaliktaran sa naranasan ni Marga. Sa lahat ng mga bagay na nakita ni Marga sa loob ng kanilang tahanan ay tila hindi na siya naniniwala sa mga tao sa kanyang paligid maliban na lang siguro sa kaniyang nag-iisang kaibigan. Dahil na rin siguro sa kakaibang ugali niya wala masyadong nakikipag kaibigan sa kanya, sige, sabihin na rin natin na dahil sa mata niya na napakasungit kung tumingin natatakot ang mga taong lumapit sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala ni Marga si Clein, hindi man nagkasundo ang dalawa sa umpisa tila naglalaro ang tadhana nang sila ay magkaibigan. Akala ni Marga nahanap niya na yung taong nakakaintindi sa kaniya ngunit akala niya lang pala iyon. At dahil sa akalang iyon. si Marga ay tila sumuko na sa buhay pero mukhang paglalaruan muli siya ng tadhana.