Masaya magkaroon ng Bestfriend, dahil siya ang lagi mong nakakasama sa tuwa, sa lungkot, sa problema at sa kalokohan.
Kapag ika'y naluluha, siya ang unang lalapit sayo hindi para patahanin ka kundi para asarin ka pa at sisihin.
Ganyan ang bestfriend na gusto mo magkaroon. Negative man ang advises sayo, mamahalin mo pa din dahil alam mong pinapasaya ka lang niya.
Nasanay ka na sa presensya at ganoon din siya sayo. Magkapatid ang turingan kulang na nga lang pati underwears maghiraman.
Ngunit paano ko kung sa huli malaman mong wala na pala 'yung bestfriend mo?
Wala ka ng karamay, wala ka na kasama sa kalokohan, wala ka na kasama kumaen at mang bully, wala ka na napagsasabihan ng korni mong jokes, wala ka ng bestfriend.
At nawala siya na walang iniwang dahilan kung bakit?
May kasabihang saktan ka nalang ng ibang tao wag lang ng taong malapit sa puso mo dahil once na ang taong malapit sa puso mo ang naka panakit sayo ang sugat na maitatarak niya sa puso mo ay sobrang lalim at mahihirapan kanang bunutin ito...
Paano kung ang taong nakapanakit sa puso mo ay ang taong tinatawag mong bestfriend?? paano mo tatanggalin ang mga bubog na itinarak nya sa puso mo para mawala ang sakit na nararamdaman mo?? paano mo mapapatawad ang tao na minahal mo ng higit pa sa sarili mo... ?? kakalimutan mo ba lahat ng magagandang alala na pinagsamahan niyo para tuluyan ka nang makalaya sa sakit na nararamdaman mo??? itatago mo ba sa puso mo ang bubog na nakatarak dito at ipagpapatuloy mo paring maging pinaka mabuting kaibigan sa taong pinakamamahal mo at hayaang unti unting mawasak ang puso?? o tatalikuran mo ang lahat ng takot sa puso mo at ipaglalaban mo ang nararamdaman mo para sa pinaka mamahal mong kaibigan???
Ano nga bang mahalaga ang friendship na matagal nyo nang pinahahalagahan o ang damdamin mo na matagal mo nang iniingatan??
masarap magkaroon ng best friendl alo na kung lagi siyang nanyan sa tabi mo pero mas masakit na mainlove dito lalo nat bestfriend lang ang tingin niya sayo...