Please read.. After almost 4 years yata, naisipan ko maglinis at mag-ayos ng gamit ko. Napansin ko kasi tambak na mga lumang notebooks ko na nagamit sa school. Pagkakita ko sa notebook na 'to na ang cover ay Betty La Fea pa, natawa talaga ko, hindi lang dahil sa napakagandang cover, naalala ko rin kung anong laman nito. Pagbukas ko first page palang pamatay na, pamatay na ang sulat ay parang kinalkal ng manok pero mas maganda parin naman sa sulat ng doktor, so mababasa parin naman. Binasa ko. Wala na kong ginawa kung hindi tumawa, yung tawa na akala mo di ko alam na sarili ko rin naman tinatawanan ko dahil ako rin naman nagsulat nung binabasa ko. Nabasa na 'to ng iba before kahit wala pang wattpad pero ish-share ko ulit kasi TRIP KO. 1st year high school ako noong ginawa ko yung love story na 'to. 1st year parin naman ako ngayon, pero college na. Biruin nyo yun. Haha. Wala akong ie-edit sa story na 'to yung nasa Betty La Fea/Mahiwagang notebook yun mismo ilalagay ko. Yung mga tinatawanan ko, malalaman nyo rin. Don't worry libre tumawa. Basta 'wag nyo kalimutan na 1st year high school ang nagsulat. :D Ang istoryang pinamagatan kong WHEREVER YOU ARE.All Rights Reserved
1 part