Sightless Love

Sightless Love

  • WpView
    Membaca 26,922
  • WpVote
    Vote 1,746
  • WpPart
    Bab 55
WpMetadataReadLengkap Sen, Jun 18, 2018
Isang easy-go-lucky, playboy at walang plano sa buhay na anak ng isang business tycoon sa Germany si Jake Smith. Isa lang naman ang pangarap niya - ang maging piloto. Ngunit hindi ito ang kinabukasang nakikita ng ama niya para sa kanya. Ang ama niya ang palaging nasusunod sa lahat ng bagay kaya kinuha niya ang kursong Marketing kahit labag ito sa kanyang kalooban. Isang mapagmahal, masunurin at mabait na anak si Jake, ngunit gusto niyang patunayan sa kanyang ama na kaya niyang tumayo sa sariling mga paa at magdesisyon para sa sarili. At isang paraan lang ang alam niya para mapansin ng ama - ang mag rebelde. Para tumino ito ay pinadala siya ng ina sa bahay bakasyunan nila sa isang probinsya sa Pilipinas. Ngunit sa kasamaang palad, bago pa man ito makarating sa bahay bakasyunan ng lolo at lola niya ay naaksidente ang sasakyan nila. Ito ang dahilan ng pagkabulag ni Jake. Makikilala niya naman ang isang probinsyanang nurse na si Diane. Unang trabaho ito ni Diane kaya kahit na suplado, mayabang, at masama ang ugali ang pagkakakilala niya sa amo ay pagtitiyagaan niya ito. Will the heart know what the eyes can't see?
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang
#19
edward
WpChevronRight
Bergabunglah dengan komunitas bercerita terbesarDapatkan rekomendasi cerita yang dipersonalisasi, simpan cerita favoritmu ke perpustakaan, dan berikan komentar serta vote untuk membangun komunitasmu.
Illustration

anda mungkin juga menyukai

  • Silent Love
  • Jackpot In Love (Published under PHR)
  • The Unscripted Love (UNEDITED & COMPLETED)
  • PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}
  • MARRYING THE TYCOON
  • Back To Me: Bud Brothers Series 3  |COMPLETED|
  • CRIMSON LOVERS: Beautiful Scars
  • The Love in Barcelona

--PROLOGUE-- Hindi lahat ng simula ay maganda. Pero minsan, doon nagsisimula ang pinakamagagandang kwento. Tahimik lang si Jake habang nakaupo sa likod ng silid, pinagmamasdan ang isang babaeng tila walang pakialam sa mundong ginagalawan nila. Hindi niya pa alam ang pangalan nito noon, pero sa unang sulyap pa lang, alam niyang may kakaiba. Hindi ito tulad ng ibang kaklase na palangiti at masigla. Hindi siya lumilingon kapag may nagtatanong, at mas pinipiling tumingin sa bintana kaysa sa mga tao sa paligid. Suplada - 'yan agad ang bansag sa kanya ng iba. Pero para kay Jake, siya lang ang tahimik sa mundong maingay. At doon nagsimula ang lahat. Isang bata na puno ng sigasig, at isang batang ayaw mapalapit kanino man. Dalawang magkaibang mundo, pinagtugma ng pagkakataon. Hindi naging madali. Paulit-ulit siyang tinanggihan. Hindi pinansin. Hindi tinawanan. Ilang beses siyang nawalan ng loob. Ilang beses na niyang tinanong ang sarili, "Bakit ba ako nagpapakahirap para sa kanya?" Pero tuwing makikita niya ang lungkot sa mga mata nito, nauulit lang ang sagot. "Kasi alam kong may mabait sa likod ng pader na 'yan. At gusto kong makilala 'yon." Ito ang kwento ng isang batang hindi marunong sumuko, at ng isang pusong natutong magtiwala sa dahan-dahan. At bago pa man nila malaman, ang unang pagtatagpong tila walang saysay... ay siya palang magiging simula ng isang kwentong hindi madaling kalimutan.

Detail lengkap
WpActionLinkPanduan Muatan