Pinilit ni Zoe na kalimutan ang isang gabing pangyayari no'ng nakaraan. Sinubukan niyang lumayo upang limutin na nang tuluyan ang lalaking mula pa noong mga bata pa sila ay minahal na niya ng lubusan. Sa kanyang paglayo, hindi niya inaasahan ang isang napakagandang bagay na dumating sa kanya. Bumalik siyang muli at sa kanyang pagbabalik, handa na ulit siyang makuha ang isang bagay mula sa taong mahal niya. Isang kasunduan. Isang sekreto. "He's my secret. My beautiful little secret."