Wala ng ibang narinig si Elise sa mga magulang kundi " Wala kang kwentang babae! Sana hindi na lang kita nakilala!" o kaya naman " Sana hindi na lang kita pinakalan, wala kang kwentang lalaki!" Tahimik na lang umiiyak si Elise sa kanyang silid at na nanalangin na kung maibabalik niya lang ang nakaraan, nanaisin niyan hindi na lang nagkakilala ang mga magulang niya. Hanggang sa isang araw, may nakilala siyang tutupad ng kahilingan niyang makabalik sa nakaraan. Sa kanyang pagbalik sa nakaraan, mababago kaya niya ang tandahan ng kanyang mga magulang, o tadhana niya ang magbabago? Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa pagbalik sa nakaraan?