The Runaway Groom

The Runaway Groom

  • WpView
    Lecturas 12,296
  • WpVote
    Votos 451
  • WpPart
    Partes 28
WpMetadataReadConcluida jue, may 23, 2024
WpInfo
Ficción
Romance
Lumuhod siya sa kanyang harapan, inilabas ang isang maliit at pulang kahon. Naroon ako, ngiting aso. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Maraming tao ang nanood, mga taong naghihintay at tila sabik na sabik sa susunod na mangyayari. Kinuha nga niya ang isang singsing mula sa kahon at nagtanong. "Will you marry me?" Hindi ko makakalimutan ang ningning ng kanyang mga mata. Siya lamang ang tiningnan ko sa kanilang dalawa. Hinanap niya pa ang mga mata ko at nang matagpuan ang mga iyon ay saka siya lumuha. "Yes," iyon ang sagot niya. Ngumiti na lang ako ulit...kahit na alam kong may parang tinik na nakatusok sa lalamunan ko. Pumalakpak ang lahat at tumayo. Nakaupo lang ako at pinanood ang sunod na eksena. Tumayo ang lalaking iyon sa entablado sabay halik sa kanyang mapupulang labi. Sa pagkakataong iyon ay alam ko na kung saan ako lulugar. Alam ko na kung saan ako nararapat. Isa lamang iyong palabas, napakagandang palabas na alam kong hinding-hindi ko makakalimutan. Tumayo ako at naglakad palabas ng malaking bulwagan na iyon na para bang may mabibigat na kadena sa aking mga paa. Saka ko tinanong ang aking sarili. Baka nga isa lang din akong artista sa malaking palabas na ito. Isang karakter na pinili na lang magmukmok nang tahimik at tiisin ang lahat. Masaya naman siya. At kahit na masakit ay ngingiti na lang ako para sa kanya.
Todos los derechos reservados
#37
groom
WpChevronRight
Únete a la comunidad narrativa más grandeObtén recomendaciones personalizadas de historias, guarda tus favoritas en tu biblioteca, y comenta y vota para hacer crecer tu comunidad.
Illustration

Quizás también te guste

  • BLUE PHOENIX DRAGON PRINCESS
  • BS#2: When The Billionaire Owns You -COMPLETE-
  • The Good Girl Turned Into A Cold And Heartless Mafia Queen [ Under Editing ]
  • They All Abandoned Me
  • The Ravels (Published Under PSICOM Publishing Inc.)
  • You're there, here
  • Salamisim
  • Finally Back Home (Complete)
  • Fall for you
  • IKAW PARIN

Rank Achieved #1 on spell out of 342 stories #5 on dragon out of 363 stories This story is about a girl who grew up alone and know nothing about her true self " FAMILY IS NOT JUST IMPORTANT BUT IT IS EVERYTHING , i wish.....i wish i have one " ----- ace Ace fienburg Ang babaeng pinagkaitan ng magulang Ang babaeng may kaibigang dragon Ang babaeng hindi mahirap o mayaman Ang babaeng pinagkakaingatan ang pagkakaibigan Paano kung isang araw mawala ang kaisa isang taong nagpahalaga sa kanya at ang pangyayaring yun ang magdadala sa kanya sa mundo kung saan wala syang ideya Kung saan mas magugulo ang buhay nya Kung saan matatagpuan nya ang ibat ibang klase ng nilalang Kung saan makikilala nya ang to toong pagkatao nya Maglalakbay, papatay,lalaban at isasakripisyo ang sarili para sa tao at mga taong naging parte ng pagkatao nya Sabay sabay nating subaybayan ang kwento ng buhay ni ACE Sabay sabay nating pasukin ang buhay ng isang BLUE PHOENIX DRAGON PRINCESS

Más detalles
WpActionLinkPautas de Contenido