Fantasy #01 Tatlong libong taon na ang nakalipas mula nang mawala ang Prinsesa ng Kalikasan matapos siyang paslangin ng isang miyembro ng angkan ng puting lobo. Muling isinilang bilang ordinaryong babae, nabuhay siyang muli sa mundo ng mga mortal na walang kaalam-alam ang karamihan na siya ang sentro ng isang alamat na matagal nang naging dahilan ng digmaan. Ngayon, sa piling ng huling puting lobo na isang sundalong kabalyero, ay naligaw sila sa mundong pinamumugaran ng mahika at kakaibang nilalang. Sa pagbabalik nila sa realidad, mga lihim ng nakaraan ang bumangon. Sa muling pagbukas ng kasaysayan, sino ang handang magsakripisyo? At kanino nga ba talaga ang katotohanan? Krissa
More details