Madalas sa storya, palaging ang panget gumaganda. Ang mahina tumatapang. Ang mahirap yumayaman. Pero paano naman kaya kung yung Maganda --no scratch it-- Paano kung ang isang tinitingalang Dyosa eh nagpumilit maging panget. Isang nilalang na ubud ng tapang pero nagpapakahina. Isang napakayaman na biniyayaan ng napakagandang buhay eh sa isang iglap magiging mahirap 'kuno'. Isang napakapilyang babae na pinipigilan ang sarili gumawa ng kalokohan para lang mapilit lang talaga. Ang Dyosa na walang pinapakinggan at sinusunud ay bigla biglang magpapakaalipin at ipagpapalit ang maginhawa't walang kahirap hirap na buhay. Aba! Sinong Dyosa ba to? Sinong loka loka ang gagawa nito? Anong nangyare? Anong nangyayare? At ano kayang mangyayare? Kakayanin kaya niya ang mga kahihinatnan ng mga pinaggagawa niya? Tara! Alamin at sundan natin ang magulo, nakakatawa, nakakaiyak, nakakainis, nakakatuwa, nakakaasar, nakakadepress (Lahat lahat na!) at bonggang nakakalokang istorya ng dyosa~ Tatawa ka kaya? Maiiyak? Malilito? Kikiligin? Maiinspired? o Maloloka ka na lang? ⁀⊙﹏☉⁀