Akala ni Milagros, kapag binigay niya ang luho ng kasintahan ay sapat na iyon upang mahalin din siya nito. Ngunit nagkakamali lang pala siya. Mas mautak ito kaysa sa kaniya. At hindi lang iyon, mas mahal nito ang ang mga material na bagay kaysa pagmamahal na binibigay niya rito. Limang taon na pala siya nitong inuuto! Ang hudas na lalaking iyon! That day, nakipaghiwalay siya at gumawa ng iskandalo sa loob ng isang mall. Hinding hindi siya nagsisisi na ginawa niya ang kahihiyang iyon sa lalaki He deserved it! At natagpuan niya ang sarili sa isang bar upang magpakamanhid at hindi magpakalasing. Hilong hilo na siya. Hanggang sa may namumuong luha ang kumawala sa mga mata niya nang biglang may nagmamagandang loob na bigyan siya ng panyo. Bago pa niya tinanggap ito ay napatingala siya, isang pamilyar na lalaki ang nakatayo roon at nakalahad ang kamay na may panyo. "I-Ikaw?" komento niya. "Yeah, ako nga." ngumiti ito na may kislap ang mga mata. Gusto niyang maging bitter ngunit tila natunaw siya sa mga ngiti nito.