Tila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako sa isang lugar na hindi ko alam. sa lugar na puro majica ang ginagamit ng mga tao. pero sa di inaasahan, doon din sa lugar na iyon tila ako nabuhay ulit. tila doon ko naramdaman ang tunay na kaligayahan na aking inaasam asam. at tila doon ko rin matatagpuan ang tao na para sa akin... at sa loob ng dalawang taon, nanirahan ako sa lugar na iyon. tila ayaw ko nang bumalik sa lugar na pinagmulan ko. tila ayaw ko nang lumayo sa knayang piling... pero ngunit noong akoy sinilawan ng araw tila akoy hinila sa isang bangungot na aking kinagisngan. tila akoy bumalik sa kadiliman... at doon natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa isang kama. tila kay puti ng silid na naroroon ako. maraming katanungan na namuo sa aking isipan. at doon isiniwalat ng aking mga magulang kung anong nangyari sa akin..... pero.... hindi pwedeng panaginip ang lahat. hindi maaring sa loob ng dalawang taon natutulog lang ako. tila hanggang panaginip na lang ba ang aking kaligayahan? at hanggang panaginip nalang ba ang hanggang wakas namin ni Lucian?