Sabi nila masarap mabuhay lalo na kapag Taken ka. Dito mo daw kase mararamdaman ang pagiging Kompleto at Kontento … Dito mo mararanasan ang Saya, Kilig at Lungkot … Wala ka na daw mahihiling pa kundi ang makasama lang ang taong Mahal mo. Makulay daw ang buhay ng Taken … Lahat na yata ng magagandang salita na kaugnay ng Relasyon ay narinig ko na pero ni isa sa mga yan walang tumatak sa isip ko. Sabi ko nga wag na nila kong tuksuhin makipagrelasyon dahil masaya naman ako sa buhay ko. Sa pagiging Single. Worry-free kana at Safe mula sa sakit na pwede mong maramdaman kapag nagmahal ka. Pero hindi ko akalain na kakainin ko din pala lahat ng sinabi ko simula ng makilala ko Sya … Ang Taong nagpabago ng buhay ko, ang nagbigay ingay sa tahimik kong mundo … Ang Taong nagmahal at minahal ko … Ang Taong Dumurog ng Puso ko </3 ----
2 parts