May mga bagay na sadyang hindi perpekto. Katulad ng mga alon sa dagat, hindi perpekto at sabay sabay ang pagdaloy ng alon sa dalampasigan. Hindi rin ito parepareho ng taas at lakas. May mga dahilan kung bakit ang mga ibang bagay ay sadyang hindi naging perpekto. Kung ang alon ba sa dagat ay sabay sabay ang pag hampas sa dalampasigan, maganda parin ba ito tignan? Katulad nalamang sa tao. Kung lahat ay pare-pareho, hindi mo alam ang maganda at pangit. Ang ibig kong sabihin, hindi mo malalaman ang pakiramdam na masaya, kung hindi mo naranasan ang masaktan. Just like light and darkness. The light cannot exist without darkness, same applies to darkness. May mga bagay na hindi perpekto tulad ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa buhay. Hindi natin alam ang mangyayari bukas. Maaring sumikat tayo bukas, or the other way around. Pero nasasaatin kung paano natin sakyan ang pagtaas at pagbaba ng ruta ng buhay. Paano kung ang para sayong normal na takbo ng buhay mo, ay bigla nalang mabago bukas?