Erin. Babaeng nasawi sa unang pag-ibig. Nasabi niya sa sarili na kahit gaano pa man kaperpekto sa paningin mo ang isang tao kung talagang hindi para kayo sa isa't-isa, gagawa ang tadhana mapaghiwalay lang ang almost perfect relationship ninyo. Eric. Ang binatang nakikipagsapalaran makuha lang ang posisyon na inaalok sa kaniya ng ama. Dalawang taong may magkaibang hinaharap na suliranin, subalit iisa ang hangarin... ang lagpasan ang lahat ng iyon. Sa kanilang pagtatagpo, magkaunawaan nga ba sila o may mabubuong pag-ibig sa pagitan ng pagkakaunawaan nila?