Lahat nalang ibinibigay mo sa kanya. Minahal mo sya sa kabila ng mga maling ginagawa nya. Siguro nga ganun talaga pag nagmamahal ka kahit nasasaktan kana basta ang mahalaga nakakasama at nakikita mo syang masaya. Pero paano kung masaya nga sya pero di naman ikaw ang dahilan? Mahal mo nga pero iba naman ang mahal? Ibinibigay mo sa kanya lahat pero isang bagay lang ang gusto mo sa iba pa ibinigay. Ipagpapatuloy mo pa rin ba ang labis na katangahan kung nasa harap mo na ang katotohan? Ako si Jillian Kylie Clamonte. Im in a one sided love relationship. And this is how my story begins