What if dumating ang pagkakataon sa buhay mo na tanggalin ng universe lahat ng emosyon sa katawan mo? At sa di inaasahang pagkakataon ay dumating ang taong bubuhay muli sa manhid mo ng puso. Nadurog ang puso ni Jelai mula nang mawala ang dalawang importanteng tao sa buhay nya ngunit dumating si Justin para idikit muli ang pira-pirasong bahagi nito. Unti-unting bumalik ang saya subalit di niya inasahan na kasama rin pala nito ang pagbabalik ng takot at sakit. Paano kung sabihin ng universe na napadaan lang pala ang taong inakala mong panghabang-buhay mo ng kasama? Nanaisin mo pa bang mabuhay muli kung ang kapalit nito ay panibagong kamatayan at pagbabalik ng sakit nang nakaraan? * Ang nobelang ito ay kathang isip lamang. Anumang pagkakatulad sa tao, lugar at pangyayari ay di sinasadya. * All rights reserved. 2014