'Suplado ka ba talaga? Narinig ni Sefh na tanong ni Baile. Para kang laging galit sa akin.. Imbis na mainis ay na-distract siya. Naka two-piece ito at hindi man lang nagsuot ng roba o nagtapis ng tuwalya. Kahit alam nyang tomboy ang kaharap,babae pa rin ang katawan nito. At lalaki lang siya! Hindi ako galit sa'yo," aniya." Nanghihinayang lang." "Nanghihinayang?BAKIT? Dahil maganda ka..... pero LESBIANA." At ang younger sister ko ang type mo,gusto niyang idagdag. May treinta segundo rin yatang hindi ito nakapag-salita,pero mayamaya ay tumawa nang malakas. "AKO? LESBIAN?Papayag lang akong maging lesbian kung GAY KA." It was a big mistake.Dahil imbis na sumagot, bigla niyang kinabig ang babae at hinalikan sa Labi..!!