Story cover for Robieguevara's Kha Arlo: anak ni Supremo by RobieGuevara
Robieguevara's Kha Arlo: anak ni Supremo
  • WpView
    Reads 9
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 2
  • WpView
    Reads 9
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 2
Ongoing, First published Aug 29, 2017
Ang Sitio Kamalig, isang lupaing punong puno ng mga kakaibang nilalang na nahahati sa dalawang parte:

Ang Tierra Cielo na kung saan naninirahan ang mga enkantado at anghel. Ang lupaing ito ay bukas sa lahat ng nilalang na gustong pumunta at dumayo rito. Ang Tierra Cielo ay pinamumunuan ng Engkantado na si Leor at ang kanyang kabiyak na Anghel na si Winona. 

Ang Tierra Perno ay ang parteng kung saan naninirahan ang mga diablo at itim na anghel-ang mga Sere. Ang lupaing ito ay pinamumunuan ng Diablong Si Supremo. 

Simula pa noon ang dalawang lupain ay payapa at masagana sa lahat ng bagay. Bukas ang mga tarangkahan ng bawat lupain para sa mga engkantado, diablo, anghel at sere na gustong makipagkalakalan sa bawat lupain. 

Ang kapayapaang ito ay bigla na lamang mapapalitan ng digmaan dahil sa isang pagtataksil ng isang may kapangyarihan.
All Rights Reserved
Sign up to add Robieguevara's Kha Arlo: anak ni Supremo to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ] by MoonlightMaddox
178 parts Complete Mature
Sa mundo ng salamangka kung saan nababalutan ng mahika ay mayroong dalawang nahahating lupain. Ito ay ang Lupain ng Zahea at ang Lupain ng Tenebris. Ang lupain ng Zahea ay binubuo ng apat na Kaharian, ito ay ang Kaharian ng Terros, Kaharian ng Fyros, Kaharian ng Aquaros at ang Kaharian ng Aeros. Bawat Kaharian sa Lupain ng Zahea ay may Hari't Reyna na siyang namumuno sa bawat mamamayanan nito. Sa gitna ng apat ng nasabing Kaharian ay mayroong paaralan, ito'y tinatawag na Majika De Akademiya, ang lugar kung saan may pag-asang mag-aral ang mga kabataang may mga natatanging kakayahan at kapangyarihan. Dito sila sinasanay upang hubugin at hasain ang kanilang mga kapangyarihan para magawa nilang lumaban sa oras ng paglusob ng mga kalaban. Sa kabilang banda, sa kabilang panig ng lupain ay matatagpuan ang Kaharian ng Tenebris.Dito naninirahan ang mga alagad ng kadiliman na kalaban ng kabilang panig na pinamumunuan ng kanilang Reyna na si Reyna Clantania. Siya at ang kaniyang nasasakupan ay may hangaring sakupin ang buong Lupain ng Zahea na siyang pilit na pinipigilan na mangyari ng mga Zaheians. Samantala, sa bundok na siyang naghahati sa dalawang lupain ay may isang dalagang naninirahang mag-isa, ito'y nagngangalang Zahara Worthwood. Siya'y lumaki sa nasabing bundok at kahit kailanman ay hindi pa napapagawi sa ibaba.Kinupkop si Zahara ng dalawang mag-asawang magsasaka nang siya'y makita sa gitna ng kagubatan nung siya'y sanggol pa lamang.Ngunit agad din naman siyang naulila nang paslangin ang mga ito ng hindi niya nakikilalang mga nilalang.Magmula noon ay sinumpa na niyang ipaghihiganti niya ang kaniyang namayapang mga magulang. Subalit ano ang mangyayari sa takbo ng kaniyang buhay kung siya'y mapapadpad sa ibaba ng bundok na nagsilbing tahanan na niya sa loob ng napakaraming taon. Ano ang magiging kapalaran niya kung siya'y makakapasok sa Akademiyang magsisilbing susi niya upang matuklasan ang misteryong bumabalot sa kaniyang katauhan. Date started: April 1, 2021
WHITE DEVIL'S VEIN by Ravenheine86
19 parts Complete
Mula sa dako ng timugan, sa dako ng malamig na pook ay nakatunghay ang tatlong demonyong nakaluklok sa isang moog doon. Sila ay may tig-iisang dambana at pawang mga malalakas na kampon ng kadiliman. Sila nga rin ay mga anak ng mga anghel na inihagis mula sa langit at napasa-lupa kasama ni Lucifer, ang pinahirang kerubin. Sila’y binigyan din naman ng karapatan na ipahamak ang lupa at gawin ang nais gawin sa sangkatauhan. At ngayon nga, sila ay nakatunghay sa isang bayan sa isang planeta sa nasa Milky Way galaxy rin na itinago sa sangkatauhan. Ito ang bayan ng Edoreza na siyang katumbas ng bayan sa silanganan ng Eden sa aklat ng Genesis. Ang bayang ito’y nasa silanganan ng planetang Gengeluva na katulad ng ating planetang earth. Ang pagkakaiba, mas malaki nga lang ang earth ng apat na beses sa naturang planeta at ang kulay ng lupa roon ay pula. Ang tubig ay gaya ng sa atin at ang atmospera ay kulay berde. Sa ating planeta ay kulay asul. At ang tatlong demonyo’y nag-uusap mula sa dakong kanilang luklukan habang nakatingin sa naturang bayan. Minamasdan ang bawat gawain ng mga tao roon. Ang bayan nga ng Edoreza’y nagpapasimula pa lamang sa kanyang kasaysayan. Ito ay tumatakbo pa lang sa kanyang ika- 10,000 taong kasaysayan buhat nang lalangin ito ng Lumikha. At ang tatlong demonyo nga’y inatasan ni Lucifer na magtungo roon bilang kanilang misyon para sa paghahanda sa sagupaan sa digmaan o Armageddon. Sila ay sinaAdecentes, Balzephur, at Vegasheval. Sa kanilang tatlo, si Vegasheval ay may malinis na puso at may mabuiting layun sa mga mortal. Siya'y umibig sa isang babae. At ang pag-ibig na ito ang naging daan at dahilan upang kalabanin niya ang kanyang mga kauri. Na bagamat' anak ng isang masamang nilalang ( demonyo) sa isang mortal ay may angking kakaibang lakas at kapangyarihan na panig sa kabutihan.
Angel's Revenge by Miss_Fuentes22
21 parts Complete
-** Matangkad - Makinis at may Maputing Balat .. - Magandang hubog na pangangatawan .. - Mala-Anghel na Mukha .. - Mapupulang Labi .. - - Isang Babaeng biniyayaan ng kakaibang kagandahan, may angking Bait at Talino .. Si Angela Gomez o mas kilala sa tawag na Angel..Siya ang nag iisang anak nina Mr.Emmanuel at Mrs.Pamela Gomez.Subalit sa di inaasahang pangyayari,maagang namatay ang kaniyang ina sa aksidente.Nag-crash ang sinasakyang eroplano ng kaniyang ina na papunta sana sa kaniyang ika-walong kaarawan galing sa isang pagpupulong para sa kanilang negosyo.. Inaasahang masaya at masagana ang kaniyang kaarawan ngunit napalitan ito ng pagdadalamhati sa nangyari sa kaniyang ina..Ang ama naman nito ang tumayong Ina't ama sa kanya..Pinalaki siya ng kaniyang ama na mabuting bata at may takot sa diyos.Tinaguyod sya nito hanggang sa ito'y makatapos ng pag-aaral. Di nagtagal dahil na rin sa katandaan,Nanghina at Nagkasakit ang kniyang ama. Pinakunsulta niya ito sa mga magagaling na doktor,sa kanilang bayan at lumipad pa sila ng amerika para lang ipagamot ang kaniyang ama.. Di naglaon ay Namatay din ito dahil sa malubhang komplikasyon sa puso,Di na naagapan ang malubhang sakit nito.. Pakiramdam niya ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa dahil sa pagkawala ng nag iisa niyang karamay at kakampi.Binurol at Nilibing na ang kaniyang ama,Dito pinaalam ng attorney nila ang tungkol sa mana,lahat ng negosyo at lahat ng kayamanan na nililipat sa kaniyang pangalan.. Dahil sa disi-siette palang ito at di pa siya marunong i-manage ang kanilang negosyo,walang choice ang attorney nila kundi ipahawak muna sa auntie silvia niya ang negosyo at pamamahala ng kanilang bahay .. Ang Auntie Silvia niya ay gahaman sa pera at inggitera.Una pa lamang ay gustong gusto niya ng agawin ang lahat ng sakaniya.At lalo na ngayon ipinahawak sa kaniya ang lahat lahat ng pagmamay-ari ni angela. -END OF DESCRIPTION .. follow me on Facebook "Nhiie Senseng" att watty xxxMystFainxxx
You may also like
Slide 1 of 9
Biringan: Ang Paghahanap sa Kristal na Halaman cover
Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ] cover
Grimoire: After Legends cover
Ascendance Of The Ruined Kingdoms  cover
La Confesión De Un Libertador cover
ANG DIREKTOR NA PSYCHO (THE WICKED DIRECTOR ) cover
Ang Huling Nuno cover
WHITE DEVIL'S VEIN cover
Angel's Revenge cover

Biringan: Ang Paghahanap sa Kristal na Halaman

12 parts Ongoing

Ang napakagandang siyudad ng Biringan, tirahan ng mga nilalang kung saan may kakayahan sa mahika,sila ang mga engkanto. Ngunit may nag-iisang engkanto ang naiiba siya ay si Evlicia, uhaw sa ganti, galit, at kapangyarihan pagkatapos mawala ang kaniyang pamilya ,ngayon siya nalamang ang natitira sa lahi niya. Gumawa siya ng isang imbensyon noong bata pa siya, ito ang Halamang Kristal Mana. May kakayanan itong palakasin ang kapangyarihan ng sino mang engkanto na gagamit nito,ngunit kapag naubos na ang mahika nito, may kakayanang humigop ang dahon ng kristal na halaman at gagawing walang kapangyarihan ang pag gagamitan nito. Ngunit nawala ni Evlicia ang kristal na halaman noong bata pa siya. Ngayon, eleksyon ng nga engkanto ,naisipan niyang tumakbo at kapag siya ay nasa posisyon ay kaniyang hahanapin ang kaniyang imbensyon. Sa tulong ng kaniyang kaibigan na si Intelligencia. Naisipan nilang hanapin ang experto sa halaman na si Dian Masalanta o sa mas kilala nating tao na "Maria Makiling". Sundan ang kwento ng ating mga bida at bida kontrabida sa panahon bago pa tayo sakupin ng kastila. Masdan ang Perlas ng Silanganan at ang mundo ng Biringan.