Zyra Academy: Destiny's Choice

Zyra Academy: Destiny's Choice

  • WpView
    Membaca 1,588
  • WpVote
    Vote 45
  • WpPart
    Bab 5
WpMetadataReadLengkap Sab, Mar 3, 2018
WpInfo
Fiksi
Fantasi
Sa mundong ito, maaari kang maging espesyal. At ang tawag nila sa mga espesyal na estudyante dito ay mga Safiara. Dito sa mundong ito, hinati ang mga Safiara at mga Daria. Sa pangkat ng Safiara ang mga taong may mga kapangyarihan. Dito rin nakatira ang mga naghahari. Sa pangkat na ito pipiliin kung sino ang itinadhana na tapusin ang digmaan na nakaukit sa kanilang kasaysayan. At ang tawag sa mga itinadhana na mga Safiara ay ang Frianda. Sa mundo naman ng Daria ay ang mga normal na tao. Ang mga tagabayan. Ang mga walang kapangyarihan, ang tawag naman sa mga tao rito at mga Iya. Nasa kanila ang kapayapaan na tinatamasa nila dahil hindi sila ginagambala at hindi sila ginagalaw ng mga Safiara o ang mga Demora. At huli sa lahat, ang pangkat ng Demora. Ang mapangahas na pangkat. Ang nag-iisang kalaban ng Safiara at ang manggugulo sa Daria. Sa mundong ito ay magkakaroon ng creator, ng destroyer, at ang everlasting power. Ang tatlong ito ang magtatapos ng digmaan at ng sigalot sa panig ng Safiara at Demora. Tatlong magkakapatid na ipinanganak upang matalo ang kadiliman, ang siyang tatapos sa lahat ng kanilang pinanggalingan. Zyra Academy: Destiny's Choice "Sa mundong ginagalawan natin, may itinadhana. Kaya kInung kaya mo, kakayanin mo kasi ipaglalaban mo siya. Kahit na isakripisyo mo pa ang sarili mo." - Zyra Chelsea Alora Driz.
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang
#3
zyra
WpChevronRight
Bergabunglah dengan komunitas bercerita terbesarDapatkan rekomendasi cerita yang dipersonalisasi, simpan cerita favoritmu ke perpustakaan, dan berikan komentar serta vote untuk membangun komunitasmu.
Illustration

anda mungkin juga menyukai

  • Mysterious University
  • Zamora Bloodline: Huling Sandali
  • Escape in Darkness
  • Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]
  • Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]
  • The Prophecy
  • Stranger To My Salvation
  • Queen and Slave: A Body's Vow

"Bakit kayo lang ang nakakakita sa entrance ng University?" "Seryoso? wala kang nakikita? Pare-parehas lang naman tayong may mga mata ah. Hindi mo ba talaga nakikita ang malaking gate na ito? Tapos ang laki-laki pa nga ng nakasulat sa itaas 'Mysterious University' oh. " At tinuro pa ni Akiera ang sulat sa itaas. "Hindi ko nga nakikita ang lahat ng nilalarawan mo. All I see is an empty lot." "Empty lot? Eh ang tayog pa nga ng gusaling nakatayo. Mala-mansyon nga yata yung isang iyon na nasa bandang silangan." Pagpupumilit ni Akiera. Hindi niya alam kung paanong idetalye ang lahat ng tanaw ng kanyang paningin mula sa entrance ng Unibersidad kung saan sila kasalukuyang nakatayo. "Baka pili lamang ang maaaring makakita sa paaralang ito." "So anong gagawin natin eh wala nga talaga kaming makita." "Marahil ang nakakakita lamang ang maaaring sumubok na pumasok." Sabi ni Junard. "Eh paano naman kaming walang makita?" "Mabuti pa umuwi na muna kayo. Kami na bahalang lumutas sa misteryong ito." Pagsabi nito ay pumasok na sa bukas na gate si Damien. "Hala nasan na si Damien? Bigla syang nawala." Gulantang ng mga kaibigan niyang hindi nakakakita sa Paaralan. "Hindi nyo rin siya kita? Eh ayon oh, naglalakad lang sya sa path ways, pumasok na kasi siya ng gate." Paliwanag ni Akiera na lubos na ipinagtatanggol na totoong may entrance. "Damien! Oyyy! Hintayin mo ako. Walang iwanan ah." At tumakbo na din si Akiera papasok sa loob. "Hala! pati si Akiera ay naglaho!" Namimilog sa gulat ang mga mata ni Sabrina. "Sabrina!" "Naku buhatin nyo, nahimatay na si Sabrina." "Kayo na ang bahala kay Sabrina. Hindi ko maaaring hayaang mag-isang kasama ni Damien si Akiera. We all know that Damien is not a good man. Hindi ko ipagkakatiwala sa kanya si Akiera." Pagsabi nito ay patakbong pumasok si Junard sa Entrance. "Junard no!!!!" Sigaw ng isa sa mga naiwan. Pero huli na ang lahat, hindi na ito nagpapigil. _____ Mature Content 🔞 Disclaimer: Photo

Detail lengkap
WpActionLinkPanduan Muatan