Bumagal ang oras at kalauna'y tila tumigil na ito. Kumalabog ng malakas ang puso ko. Perpekto, ang tanging nasa isip ko nang mga oras na iyon. Alam kong hindi na ulit magiging katulad ng dati ang buhay ko... dahil natagpuan ko na siya. Ang nakatakda. Ang aking unang biktima.