aalis na ang kasama ko manood ng wrestling, basketball, ufc at action movies...
aalis na ang pinakamasarap na chef para sa akin...
aalis na ang nagpapataba sa akin...
aalis na ang taga suklay ko ng buhok...
aalis na ang pinaka magaling na driver...
aalis na ang laging pumapasan sa akin everytime na sumasakit tagiliran ko...
aalis na ang mahilig sa marlboro green...
aalis na ang mahilig mag-inom...
aalis na ang taong nangako sa akin na isasama ko sa sabungan pag tapos ko ng colllege...
aalis na ang idol ko sa suntukan at away...
aalis na ang sobrang proud na proud sa akin...
aalis na ang taong napaka taas ng expectations sa akin...
aalis na ang ka-jamming ko sa pagkanta sabay sa kumkanta sa radyo at pag nagkamali sa lyrics sasabihing "ang tanga nung radyo mali lyrics"...
aalis na ang taong alam kong lagi lang andiyan para sa akin kahit nasa malayo siya...
aalis na ang ultimate protector ko...
aalis na ang taong sobrang mahal ako...
aalis na ang taong sobrang mahal ko...
aalis na ang unang-unang lalaking minahal ko...