Sabi nila, ang personality at kabuuan ng isang tao ay biyaya mula sa Diyos. Ang bawat characteristic mo daw ay regalo mula kay God. Payat o mataba, matangkad o maliit, kulot o straight or wavy, matalino or average, lalake o babae, matanda o bata, mukhang losyang or baby face or sakitin or healthy, lahat na. Ikaw daw ay unique sa 7 billion+ na tao sa mundo at dapat mong i-treasure kung anong meron ka at ano ka. Dapat daw ay pagbutihin mo ang talent mo at dapat ay kung anong meron ka at kung anong kaya mo, paghusayan mo. Dapat daw, kung maganda ka, mag-asal dalagang pilipina ka. Kung gwapo ka naman, dapat mala-Adonis din ang habits mo. Well… sabi nila yun di ba? Paano kung maganda ka at gusto mong maging gwapo? Paano kung madaming nagcocomment sa dp mo na “Hey Handsome <3 =)” at “Hot <3” pero gusto mong makakita ng comment na “Pretty!! <3 ”? Paano nga ba?