Lahat ng tao kayang magmahal simula sa Nanay at Tatay,Ate at Kuya,kapatid at Pinsan. Lahat tayo nararamdaman ang pagmamahal pero minsan sa sobrang pagmamahal natin ay hindi natin ito kontrolado. Minsan nabibigla nalang tayo na nagmamahal na pala tayo sa taong di natin kilala o bagong kilala. Nagtataka tayo kung bakit may nararamdaman tayong kakaiba at sinasabing mahal na natin ito. Pero paano pa kaya kung may mas higit pa sa tao na yun ngunit hindi mo alam kung mahal mo o hindi? Ang puso mo ba ay kakayanin pang pumili? Mahal ko O Mahal ako?