(KPBKNNNPB) "Picture tayo bilis!" Lagi niya akong niya-yayang mag-picture, siguro sa isang araw nakaka-30+ kaming pictures.. "Smile ka!" Sabi niya sabay click niya sa cellphone niya. "Patingin nga." Sabi ko pero agaran niya itong tinago. "Wag na panget ako diyan." Lagi niyang sagot tuwing itatry kong tignan ang pic namin. Then one day pag-gising ko wala na siya sa tabi ko. Kaya pala... Kaya pala bigla ka nalang nawala ng parang bula... *** (KPMMKMKI) "Ate meet my boyfriend." Pakilala niya. "Baby, say 'hi' to my ate." Pagkita ko sa kaniya biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Bakit? Di ko rin alam, ni hindi ko nga siya kilala eh. Hanggang isang araw naiwan kaming dalawa na magkasama. Kinwento niya sa akin kung ano ba talaga kami. Nalaman ko ang lahat... Lahat, lahat... Kaya pala... Kaya pala masakit makita kang may kasamang iba...