What if sa pagjojogging mo sa isang sementeryo na malapit sa inyo ay umabot ka sa isang lugar na hindi masyadong dinadaanan nang mga tao at sa hindi malamang dahilan ay parang hinihila ang mga paa mo papalapit sa isang nitso na natatakpan na nang mga damo at sa hindi malamang kadahilanan din ay parang kusang kumilos ang iyong mga kamay para tanggalin ang nakaharang sa nitso at laking gulat mo sa nakita mo, dahil ang larawan sa nitso ay larawan mo.