Dahil sa kapusukan, napilitang pakasalan ni Coheen si Zcaley. Ginawa niya ang lahat para makuha ang puso nito, ngunit sa huli, nabigo siya. Hindi lang siya nito sinasaktan ng pisikal, kundi sinasamahan pa ng matinding pang-iinsulto. Kaya't napagdesisyunan niyang palayain na lang ang lalaki.
Sa kanyang pagbabalik sa pagiging malaya, muling lumapit ang una niyang manliligaw-si Vince Gomez, ang lalaking handang gawin ang lahat para makuha siya. Pero sa pagkakataong iyon, bumalik din si Coheen sa kanyang buhay, nagtatangkang bawiin siya.
Sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis si Zcaley, ngunit hindi niya alam kung sino ang ama ng kanyang dinadala. Sa harap ng sitwasyong ito, inako ng kanyang matalik na kaibigang si Daxian ang responsibilidad at itinuring na kanya ang bata. Nagpakasal sila, at si Daxian ang tumayong ama ng anak ni Zcaley.
Ngunit walang lihim ang hindi nabubunyag. Lumabas ang katotohanan tungkol sa tunay na ama ng bata nang ito'y magkasakit. Dito nagsimulang magkalabasan ang mga masalimuot na lihim nina Coheen, Vince, at Daxian, at unti-unting nasira ang kanilang mga buhay.
Nagkagulo, parehong nasaktan, parehong nawasak.
Sino nga ba ang tunay na biktima? Ang mga nang-agaw na inabuso, o ang inagaw na siya palang nang-abuso?
May pag-asa pa kaya silang magkasundo, o lalo lamang lalalim ang sugat sa kanilang mga puso? Ano ang mga lihim na dapat pa nilang tuklasin? Sa huli, sino nga ba ang tunay na ama ng nag-iisang anak ni Zcaley?
He is a human predator who kills to live.
She is an amazona who fights to protect.
Dalawang nilalang. Parehas na lumalaban para sa magkakaibang layunin.
Aville Villaranda, cardinal boss ng isa sa mga kinatatakutang mafia group ng Asia, ang Red Scorpion. Sa pagbagsak ng grupo ay kasama rin siyang nawalan ng kapangyarihan at pakpak. Nakulong at nilagay sa ilalim ng mahigpit na kustodiya ng Nephilims. Pero hindi pa siya tapos. Babangon siya at babawiin ang dati niyang buhay.
Carlyn Nadua, isa sa mga babaeng itinakda para sa prinsepe ng Afro Ragenei. Ang pangalan niyang Roh Morantha ay binura sa kasaysayan ng kaharian, kasama ng kanyang kapalaran doon upang magkaroon siya ng panibagong buhay at karapatang umibig.
Ano'ng kahahantungan kung ang tadhana na mismo ang magbibigkis sa kanilang mga landas? Will their purpose matters when their hearts get to decide who is fit to survive?