Magsisimula ako sa umpisa kung saan tayong dalawa'y nag tagpo at nag kita ni hindi ako makapagsalita nung una kitang nakita...nakita ko na lamang ang iyong mga mata na tila nag nining ning na parang bituin at itoy nag nining ning dahil sa tuwa, at umaasa na mamahalin mo kaya. di nag tagal tayong dalaway nag kakilala na tila parang ikaw ang ilaw sa mundo kong madilim at parang araw na nawawala sa tuwing takipsilim at ikaw ang susi sa pintuan kong nakakandado at sa bintanang durungawan ikaw lang ang nais na makita ko, kaso naalala ko akoy kaibigan mo lang pala.. Mahal kita, tama ang iyong narinig at nabasa pero sino ba naman ako? ni hamak na kaibigan mo lamang na ginustong lumayo pero mas ginusto ko ang aking pag lapit ginusto kong bumitaw na pero mas ginusto ang aking pag kapit ginusto kong ikay saktan pero mas ginusto kong mahalin ka at oo tama nanaman ang narinig mo na minahal kita sa panandaliang ayaw ko pala. Mag sisimula ulit ako sa umpisa kung saan tayong dalaway muling nag kita ni hindi parin ako makapagsalita dahil sa aking mga nagawa kaya mahal patawarin mo sana ako sa lahat ng aking maling ginawa. tinignan ko na lamang ang iyong mga mata na tila wala nang nag nining ning na bituin at tila bumagsak at wala ng pag asa pang pasayahin pa imbis na mga nag nining na mga mata ay nakita ko ang mga nag mumugtong mga mata at pag luha pero mahal ito na ang tamang panahon para kalimutan natin ang isat isa. Mag sisimula ulit ako sa umpisa Mag sisimula ulit ako Mag sisimula ulit akong mag isa kung saan wala kana.All Rights Reserved