"Wala ka na bang oras para sa akin?" reklamo ni Cleo nang makita si Jeff na nagbabayad ng quota nila sa dance contest. Tingin lahat ng mga organizer sa babaeng sinita ang choreo ng Niveous. Kilala nila ito, si Cleo, dati ring dancer. "Cleo, sunud-sunod ang mga dc ngayon. Alam mo iyan, dapat masanay ka na," "Anong napala ko? Wala!" halos pasigaw na sinabi iyon, walang pakialam sa ipupula ng mga nakakarinig sa kanya. "Sagad sa pagod at puyat , talo pa!" Napatayo ang isa sa judge, galit na dinuro ang mukha ni Cleo. "Hindi ka kasali dito!" "Pwe!" Dura nito sa harapan ng nanita. "Papogi ka lang, pero dinadaya ninyo ang resulta!" Matalim ang titigan. "Kaya pala ayaw ka nang tanggapin ng mga crew... asal demonya ka. Don't worry I will personally endorse you sa nga club, bold dancer na nga lang. Doon ka bagay! " "Pwe! " Hiyang-hiya si Jeff sa ginawa ng syota niya, "Leave us Cleo." malumanay pa rin na pakiusap nito, ayaw niyang magalit. "Please., Nakapagdagdag iyon ng galit nito, "Pati ikaw?" dabog pa nito. Ngisi ang pakawala ni Jeff, walang bahid ng pagmahal iyon, "If you can't dance with me, get out of my hair." *****